Gospel


PAGSISIMULA NG IYONG BAGONG BUHAY SA PAGLAGO KAY KRISTO

Ang pagtanggap kay HESU-Kristo bilang personal na PANGINOON at tagapagligtas ay ang pinakamahalagang kapasiyahan sa buhay. Ang pagtanggap kay HESU-KRISTO sa pamamagitan ng pananampalataya ang siyang nagbibigay panimula sa isang tunay na panibagong buhay. Kung paanoi nangangailangan ang buhay pisikal ng hangin, pagkain,pahinga at ehersisyo. Gayon din na man, may mga pangangailangan ang buhay spiritual para sa paglago nito. “ Pagsisimula ng inyong bagong buhay sa paglago kay KRISTO.

Juan 1:12

Ngunit ang lahat ng Tumanggap at nanalig sa kanya ay pinag kalooban niya ng karapatang maging anak ng Diyos. Mula nang tanggapin mo si KRISTO, ikaw ay naging anak na ng DIYOS. dahil ikaw ay napabilang na sa pamilya ng Diyos ay tinanggap mo ang lahat na kailangan mo upang maranasan ang masaganang buhay kristiyano o palagiang pagiging espiritual. Ang paglagong espiritual ay bunga ng pagtitiwala o pananampalataya kay HESU-KRISTO. Ang pinawalang sala sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay.

GALACIA 3:11

Maliwanag, kung gayon, walang taong ibinibilang na matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng kautusan pagkat, "ANG PINAWALANG SALA SA PAMAMAGITAN NG PANANAMPALATAYA AY MABUBUHAY" Ang pananampalataya mo sa DIYOS ang siyang tutulong sa iyo na ipagkatiwala ang lahat ng detalye ng iyong buhay sa DIYOS. Mapapabilis ang iyong paglagong espiritual sa pamamagitan ng mga sumusunod na gawain:



1. Panalangin-ang panalangin ay ang pakikipag-usap sa DIYOS at pakikinig sa kanyang salita.



2. Pag aaral ng Bibliya- ang pagkaing pang pisikal ay kailangan para sa buhay-pisikal.
         kung ang isang tao ay di kakain, siya ay manghihina at maaaring magkasakit, ito ay totoo sa espiritual na buhay man. Ang bibliya ang ating espiritual na pagkain. Sa ating pag babasa ng bibliya, o salita ng DIYOS nakikipag-usap sa atin ang DIYOS at habang tayo naman ay nananalangin tayo din naman ay nakikipagusap sa Diyos  kaya kailangang palagiaan tayong magbasa at manalangin. Mahalaga basahin natin ang salita ng Diyos araw araw para magkaroon tayo ng kalakasan araw-araw.

3. Pagsunod-ang susi sa patuloy na paglago sa pamumuhay kristiano ay ang pagsunod sa kalooban ng DIYOS. Ang kaalaman tungkol sa kahalagahan ng panalangin at pag aaral ng bibliya ay walang gaanong kabuluhan kung hindi natin maisasagawa sa ating buhay

SANTIAGO 1:22

Mamuhay kayo ayon sa salita ng DIYOS, kung ito'y pinakikingan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili.

Saan magmumula ang aking  kakayahang maisagawa ang kaloobang ng Diyos?

FILIPOS 2:13

Sa pagkat ang DIyos ang magbibigay sa inyo ng pagnanasa at kakayahang maisagawa ang kanyang kalooban.



I.D.O.4 live worship Concert Tour

Christian

JOHN 3:16

Let Us Worship GOD


MusicPlaylistView Profile
Create a playlist at MixPod.com